Make your own free website on Tripod.com

“Big dreams begin small.”

Home

About Me My Gallery My Links My News

My Gallery > Rachel's Training History

Want to know more about me?

Rachel's Training History

by Mr. Randy Pegason

Nag-umpisa pong kumanta si Rachel already with a great diction. Nakita po namin ang kanyang talent kaya't pinag-voice lesson namin siya sa ABS-CBN Talent Center. Regular training rin niya ang swimming para humaba ang kanyang breathing. Minsa nga po nilalagyan ko siya ng plastic sa ulo at tinatalian ang tiyan niya para ma-improve ang kanyang breathing technique. Alaga din siya sa vocalization. Everyday, lahat ng contest pieces niya ay pina-practice niya para ma-master. 

Lagi kong pinapaalala din sa kanya na magtiyaga siya to reach her goal dahil walang pangarap na hindi dinidilig ng pawis, luha, at kung minsan ay dugo. At kahit na panay ang kanyang practice at sakripisyo sa training, 50% palang ang mga iyun. Ang 50% ay nanggagaling sa pagluhod sa Diyos at pagtulong sa kapwa. Gustong matandaan niya na ito ang hagdanan sa tagumpay.

Si Rachel ay napapalo din paminsan-minsan. Para naman ito makamit niya ang tamang disiplina. Pero siya naman ay talagang mayroong determinasyon na maging magaling na singer. Madalas kong makita na kahit pagod na siya ay tuloy pa rin siya sa pag-practice.  Even sa food na gusto niya, basta't bawal sa boses niya, like ice cream at chocolates, tinitiis niya na hindi kainin. Ang lahat ng iyon ay parti ng disiplina niya. Tuwing parang gusto niyang kumain ng mga iyon, sinasabi ng mama niya, "Anong gusto mo, ice cream o ang pangarap mo at ang nais mong makatulong sa kapwa?" She always answers, "Siyempre po ang kalooban ng Diyos at ang makatulong sa kapwa."

Ito ang nais niya talagang gawin. Tuwing darating ang Christmas season, yung 20% ng mga naipon niya mula sa napanalunan sa mga kumpetisyon na sinalihan niya at ang mga luma niyang laruan at damit ay binibigay niya sa mga Aeta mula Zambales. Minsan nga pati mga damit ng mama niya ay sinasama niya. Siya din ay palagiang donor ng Bantay Bata 163 at mga medical patients. Mas kabisado pa nga niya ang back account number ng Bantay Bata kaysa sarili niyang bank account e. May mga five (5) years niya na ding ginagawa ang mga ito.

Ganito si Rachel kadeterminadong maabot ang kanyang pangarap at ang makatulong sa kanyang kapwa. Siya na din nga mismo ang nagsabi na isa mga nais niya ay ang pamarisan siya ng lahat ng mga nakakapanood sa kanya sa entablado man o sa TV. Ito rin ang panalangin namin para inyong makababasa nito.

 

Best viewed using Internet Explorer and with 1024 x 768 dpi screen resolution.